Ulan…ulan…ulan

Namiss ko maglagay ng photo sa isang post. Kaya ito ngayun, merong naka-insert na photo. Hiram ko lang galing sa deviantart “A Good Book” by B1nd1.  Ang cool ng pic, nakakarelax. Tamang tama sa panahon ngayun, maulan. At hayyy, very comfy ang hinigaan ng girl. Sana meron akong ganyan ng bedroom. Ganyan ding window, nakikita ang pagpatak ng ulan. Ang cute hihi.

Speaking of ulan, gusto ko ang ulan lalo na pag gabi. Syempre malamig, at comforting para sakin. Di ko alam kung bakit, basta ganun. Okay lang din kung merong konting kulog at kidlat. Konti lang, wag naman yung parang end of the world na. Masarap pakinggan ang tunog ng pagpatak nito sa bubong, sa dahon, sa lupa. Malamig din ang simoy ng hangin na dala nito. Nakakaantok.

Meron akong kakilala dati. Ayaw nya ng ulan, lalo na daw pag gabi. Malungkot daw. Sabagay, ang ulan ay laging kinakabit sa kalungkutan o luha sa mga tula o kanta. Nadamay pa. Pero wala akong maalala na malungkot ako na umuulan. O umuulan habang malungkot ako. Siguro baka, napapawi ng ulan kaya di ko na maalala. Magkakaiba nga siguro ang bawat tao.

Basta ako, masaya ako pag umuulan. Kahit minsan nakakabadtrip ang baha o kaya ang tulo sa bubong. Pero kahit ganun, okay lang. Malamig eh, at masarap matulog hihi.

Advertisements

10 Comments

Filed under Kahit Ano Lang

10 responses to “Ulan…ulan…ulan

  1. tama, msarap matulog kapag umuulan..un lang..hehe

  2. OO nga hangganda pa ng pagkakapwesto nung hinihigaan nya nakadikit tlga sa bintana…jejeje…

    naku Clara actually ayoko ng ulan ih…jejeje…parng ang dramatic ng mood…jejejej…gusto ko lang s ulan ung mlamig n temparachur at naalala ko lage ung eksena ni San Chai na naghihintay sya sa ilalim ng ulan kay Dao Ming sui ng meteor garden…jejejeje…wolo long…

  3. Jag

    Hi mingming! Hehehe…Hate ko ang umulan pag nataon sa umaga…super like ko ito pag bandang hapon na hanggang gabi hehehe…

    • hahaha mingming, cute naman. kadalasan tawag ko sa pusa ay miming or ming ming hihi. hassle nga ang ulan pag umaga lalo na pag me lakad. pero pag tamad mode at sa bahay lang ay ok na ok.

      salamat po sa pagdaan.

  4. at mas masaya kung may ihahaing mainit na sopas. ^_^

  5. roy

    Your blog is interesting!

    Im inviting you to join my Most Interesting Blog Award contest.

    Salamat, ROY
    http://www.abdul-hakeem.com

  6. Ewan ko din. Pero na-aassociate ko din sa kalungkutan ang ulan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s