Kwentong Ulam

Sabado, alas dyes ng umaga, kakatapos lang maglinis ni Maria ng bahay. Kinuha nya ang dalawang cookbook na nakalagay isang kabinet at umupo sa tiles na sahig habang ang kanyang kapatid na si Elena ay abala sa pagbabalot ng hiniwang keso sa siomai wrapper.

Pagkaupo ni Maria ay nagsimula na sya magbasa..

Maria: Ginataang something, something na may gata, something sa gata. Ano ba naman to, puro ginataan. Ahh ito na lang, ginisang something, something guisado, guisadong something. OMGLOL! Kung hindi ginataan, guisado naman. Ano kaya pwedeng ulamin?

Elena: Sinigang na lang kaya?

Maria: Isda?

Elena: Hindi pwede, may fish kill pa. Baboy kaya?

Maria: Alam mo namang hindi pwede, meron tayong anti-pork dito sa bahay. Magmimisa na naman yun pag nakitang may baboy ang ulam. Ahh ito na lang, sauteed mongo.

Elena: Diba merong may arthritis dito?

Maria: Oo nga pala.

Elena: May arthritis ka?

Maria: Wala noh! Yung anti-pork natin merong arthritis LOL.

Elena
: Manok na lang, tinola. Tapos lagyan mo ng gata.

Maria: Pwede na rin yan, sige yan na lang.

Elena: Tapos lagyan mo nung malaking dahon.

Maria: Malaking dahon? Ano yun?

Elena: Yung malaking dahon na nilalagay sa tinola. Alam mo yun?

Maria: Di ko alam kung ano yang malaking dahon na yan. Teka dito ka muna, punta na akong palengke.

At naglakad na si Maria papuntang palengke para mamili ng manok, kamatis, sibuyas, bawang, gata at isang gulay na hindi dahon. Pagkauwi ay namitas ng dahon sa kanilang kapitbahay (nagpaalam naman sya…sa puno). Pagkatapos ay hinugasan na nya ang mga ito, hiniwa at niluto. Habang sya ay nagluluto, nag-usisa ang kanyang kapatid na si Elena.

Elena: Asan na yung malaking dahon?

Maria: Ayan na. Di nga lang lumaki at nagpa-change name na rin sila sa NSO. Malunggay na ang bago nilang pangalan hihi.

Elena: Nyee..ang korni naman.

*****END*****

Advertisements

8 Comments

Filed under Kahit Ano Lang

8 responses to “Kwentong Ulam

  1. Ehehe!! Actually, iba ang naisip kong ending.. pero NICE. Hindi ko expect.Malunggay pala.. Akala ko kasi dahon ng gabi or something. Wahihi!! Napa smile naman ako dito..

    Thank you nga pala sa laging pagdaan. Add na kita sa BL ko, pusa.. 🙂

  2. akala ko kwentong magik palayok ito!! hahahaha

  3. rap

    ngek.,… hehe.. kala ko kung anong dahon na ung ilalagay nya.. kala ko dahon ng anahaw. ahahaha…

  4. akala ko recipe na ito…nagtabi pa naman ako ng notebook at ballpen.hahaha tungkol pala sa dahon..hehe…pero nag enjoy ang prinsepe akoni

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s