Category Archives: Personal

Ang Random

Ano ba ang random? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang na masaya ako ngayun. Dahil ang cute ng bagong avatar ko ahihi. Isang avatar ng bakeneko na natagpuan ko sa internet. Nakakatuwa hihi.

Bago ko makalimutan, bumili na ko ng gatas na nasa sachet baka sakaling makatulog ng maayos. Merong matador dito, pero di naman ako umiinom wehehe. Ayoko maglasing para lang makatulog. Damn you insomia! >_>

Isa pang random, ako ay naliligaw ng landas. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Merong ganun? Well, meron. Work related. Tinatamad na kasi ako sa current work ko ngayun. Feeling ko hindi na ko effective dahil nga sa tinatamad na ko. Hindi na ko masaya sa ginagawa ko, dahil sa hindi na ko masaya parang napipilitan na lang akong bumangon at pumasok araw-araw. Parang robot lang na tinatapos ang bawat task. Hindi na katulad ng dati.

Music playing in the background: I want to break free. I want to break free. God knows I want to break free.

Ang options ko ay, maghanap ng ibang work or mag work from home na lang. Medyo hassle ang option number one. Hassle mag-apply apply at gumawa ng resume. Natry ko na rin ito, masyadong magastos at mahirap maghanap ng starting na sahod ko ngayun. Option number two medyo hindi stable. Depende kasi kung marami kang matatanggap na projects or kung matino ang employer. But still marami ang nabuhay sa freelance, and infairness mas mataas ang monthly ko dito kung tutuusin. Based on luck, at syempre ng tyaga.

Magreresign din naman ako sooner or later. Siguro need ko na mamili sa mga options ko. And as usual, try not to regret every decision. Kaya masinsinang usapan ng aking heart and mind kung ano ba talaga. Advice would be very much appreciated ^__^

7 Comments

Filed under Personal

Capital i

With an N, with an S-O-M-I-A. Hindi ko  alam kung kilan nagsimulang nagkaroon nito pero nakakairita. Sobrang mahalaga sakin ang pagtulog, ngunit pinagkakait na ito sakin. Why oh why? Ayokong araw-araw puyat, ayokong mukhang zombie, ayoko ng kulang sa tulog, ayoko ng eye bags! Paano na mag-regenerate ang cells ko? Pano na sila mag-repair kung kulang sila sa oras? LOL ayokong tumanda ng maaga.

Gabi-gabi na lang kinakausap ko ang sarili ko, Matulog ka na pls, sleep na. Parang engot lang. Body temperature decreases, good good. Brain stop thinking. Eyelids dropping, check. Losing conciousness yey! In 20 counts makakatulog na ko! Ganyan ako magcheck gabi-gabi? Parang engot lang talaga.

Siguro kasalanan ko rin. Poor diet, lack of exercise and overwork. Namimiss ko ang makatulog ng 10pm, lagi na lang kasing past 1am. Hayyz Lord. Namiss ko ang feeling na energized ako pagising ko sa umaga. Namiss ko rin magluto ng agahan, namiss ko ang feeling na “i-will-start-d-day-right“.

Dahil sa late na naman akong nakatulog kagabi, inaantok na ko ngayun. Nagiging nocturnal na yata ako. Hello Batman XD.  Ang bigat na ng talukap ng mata ko. Sleep muna.

Publish post.

11 Comments

Filed under Personal

Ngayun

Malakas ang ulan sa labas ng bahay (at pati sa loob). Medyo nakakairita, imbes na masarap sana ang tulog mo dahil malamig ay naglilinis ka pa tuloy ng tulo. Hayyz Lord. Lagpas na ng alas dose ng madaling araw. Gising pa, kausap ko pa ang aking mahal sa chatroom. Ang ganda ng simula ng araw ko, kahit wala pa akong tulog. Dahil sya ang unang bumati sakin.

Alas sais ng umaga, nagsidatingan ang text ng aking mga kapatid, magulang, kaibigan na puro pagbati. Na-touch naman ako, ang dami pa palang nakakaalala sakin ahihi.

Ang akala ko anonymous ang araw ko, pero napuno ang wall ko sa FB ng greetings na galing sa aking mga malalapit at malalayong kaibigan. Ang saya ko!

Kahit walang especial na handa. Kahit na trabaho pa rin ang aatupagin ko pagdating ko mamaya sa bahay. Okay lang. Walang makakasira sa araw ko ngayun. Masaya ako dahil feeling ko ang special ko today. Masaya ako dahil merong isang tao na laging andyan para sakin. Masaya ako dahil kahit papano buhay pa rin ako. Masaya ako dahil masaya ako.

Iz mah dey 2dey yeeee!

8 Comments

Filed under Personal

Ang Aking Kapatid

Nakakatuwang isipin dahil sa dami ng mga kapatid ko, sya o kaming dalawa ang maraming fun-facts XD. Tulad ng:

  • Lagi kaming napagkakamalang kambal, lalo na nung bata pa kami dahil para kaming pinagbiyak na kamatis.
  • Tatlong araw na lang ay 1 year na ang gap namin.
  • Dahil baligtad ang number ng aming birthday, binaligtad lang din ang pangalan namin.
  • Dahil sa baligtad ang pangalan namin, baligtad din kami sa mga bagay bagay. Katulad ng tahimik ako, mas tahimik sya hihi.
  • Lagi syang napagkakamalang mas matanda keysa sakin ahaha peace ^__^Y
  • Pero kahit mas matanda ako never akong natawag na Ate. Di uso samin ang tawagang ate at kuya 😄
  • Maganda sya, pero mas maganda ako ahihi.

O sige na nga, dahil sa birthday nya ngayun, mas maganda na sya. Hindi lang maganda, mabait pa. Kahit na mas tahimik sya at minsan ko lang talaga naririnig ang boses nya, alam ko namang napakabusilak ng kanyang puso at may pagmamalasakit sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Happy birthday sa aking magandang kapatid. Wish ko ang marami pang blessings na dumating sa buhay nya. At sana ay matagpuan na nya ang lalaking iibig at iibigin nya sa habang buhay.

7 Comments

Filed under Personal

Welcome to the Goddamn world

From the poem:

Some Guiness was spilt on the barroom floor
When the pub was shut for the night
Out of his hole crept a wee brown mouse
And stood in the pale moonlight
He lapped up the frothy brew from the floor
Then back on his haunches he sat
And all the night you could hear him roar
“Bring on the goddamn cat!”

Welcome to the world of the goddamn cat.  My first entry yey! This will be a continuation of my blog in blogger. Hope you guys will follow.

12 Comments

Filed under Personal