Letter To My Cats

This is a repost and this is not mine. My sis shared this to me and I laughed a lot. Since this is a kitty cat blog, Imma share this to y’all. Here goes.

Dear Cats,

We need to talk.

When I say to move, it means go someplace else, not switch positions with each other so there are still two cats in the way.

The dishes with the paw print are yours and contain your food. The other dishes are mine and contain my food. Please note, placing a paw print in the middle of my plate and food does not stake a claim for it becoming your food and dish, nor do I find that aesthetically pleasing in the slightest.

The stairway was not designed by NASCAR and is not a racetrack. Beating me to the bottom is not the object. Tripping me doesn’t help, because I fall faster than you can run.

I cannot buy anything bigger than a king size bed. I am very sorry about this. Do not think I will continue to sleep on the couch to ensure your comfort. Look at videos of cats sleeping; they can actually curl up in a ball. It is not necessary to sleep perpendicular to each other stretched out to the fullest extent possible.

I also know that sticking tails straight out and having tongues hanging out the other end to maximize space used is nothing but feline sarcasm.

My compact discs are not toys for you and your friends to play with.

For the last time, there is not a secret exit from the bathroom. If by some miracle I beat you there and manage to get the door shut, it is not necessary to claw, whine, try to turn the knob, or get your paw under the edge and try to pull the door open. I must exit through the same door I entered. In addition, I have been using bathrooms for years and I know that feline attendance is not mandatory.

The proper order is kiss me, then go smell the other cat’s butt. I cannot stress this enough. It should be such a simple change for you.

Sincerely,
The Person Who Lives Here (and buys your food).

Leave a comment

Filed under Kahit Ano Lang

Kwentong Ulam

Sabado, alas dyes ng umaga, kakatapos lang maglinis ni Maria ng bahay. Kinuha nya ang dalawang cookbook na nakalagay isang kabinet at umupo sa tiles na sahig habang ang kanyang kapatid na si Elena ay abala sa pagbabalot ng hiniwang keso sa siomai wrapper.

Pagkaupo ni Maria ay nagsimula na sya magbasa..

Maria: Ginataang something, something na may gata, something sa gata. Ano ba naman to, puro ginataan. Ahh ito na lang, ginisang something, something guisado, guisadong something. OMGLOL! Kung hindi ginataan, guisado naman. Ano kaya pwedeng ulamin?

Elena: Sinigang na lang kaya?

Maria: Isda?

Elena: Hindi pwede, may fish kill pa. Baboy kaya?

Maria: Alam mo namang hindi pwede, meron tayong anti-pork dito sa bahay. Magmimisa na naman yun pag nakitang may baboy ang ulam. Ahh ito na lang, sauteed mongo.

Elena: Diba merong may arthritis dito?

Maria: Oo nga pala.

Elena: May arthritis ka?

Maria: Wala noh! Yung anti-pork natin merong arthritis LOL.

Elena
: Manok na lang, tinola. Tapos lagyan mo ng gata.

Maria: Pwede na rin yan, sige yan na lang.

Elena: Tapos lagyan mo nung malaking dahon.

Maria: Malaking dahon? Ano yun?

Elena: Yung malaking dahon na nilalagay sa tinola. Alam mo yun?

Maria: Di ko alam kung ano yang malaking dahon na yan. Teka dito ka muna, punta na akong palengke.

At naglakad na si Maria papuntang palengke para mamili ng manok, kamatis, sibuyas, bawang, gata at isang gulay na hindi dahon. Pagkauwi ay namitas ng dahon sa kanilang kapitbahay (nagpaalam naman sya…sa puno). Pagkatapos ay hinugasan na nya ang mga ito, hiniwa at niluto. Habang sya ay nagluluto, nag-usisa ang kanyang kapatid na si Elena.

Elena: Asan na yung malaking dahon?

Maria: Ayan na. Di nga lang lumaki at nagpa-change name na rin sila sa NSO. Malunggay na ang bago nilang pangalan hihi.

Elena: Nyee..ang korni naman.

*****END*****

8 Comments

Filed under Kahit Ano Lang

Tagtipid

feed meh

Dahil sa isa ako sa napakakuripot na tao sa mundong ibabaw (hindi ako instik), marami rin akong naiisip na kalokohan ukol sa pagtitipid. Wala namang masama dito at hindi naman ito nakakamatay. Samakatuwid ito minsan ay nakakatulong din lalo na ngayun na taghirap ang buhay nating mga Pilipino. Wait..ako lang ba? Ako lang pala. Anyway, share ko na rin nawa ay mapulutan din ng aral.

  • Kung trip mong mag soundtrip pero nagtitipid ka sa kuryente, makipag-rock ‘n roll ka na lang sa iyong kapitbahay na sobra ang volume ng speaker. Kahit na parang umaalulong na “Maaaaaay Weeeeeeey” o kaya “Reeeech da empasibol dreeeem” okay na rin yan, pwede na mapagtyagaan.
  • Kung gusto mo ng aircon pero wala naman sa budget, madali lang yan. Gumawa lamang ng isang bloke ng yelo. Syempre galing sa ref mo, wag ka bumili, nagtitipid nga eh. Pag nakagawa na, ilagay sa tapat ng electric fan and taaadaaa…may improvised aircon ka na. Siguraduhin lamang na may sahuran ito pag natunaw na.
  • Pag di mo kaya ang shaving cream, pwedeng ipampalit ang hair conditioner (nasa sachet or bote, basta conditioner). Di ito biro, nabasa ko to sa isang magazine.
  • Pwede maging artwork ang lumang karton at nail polish na hindi na pwedeng gamitin. Diba sosyal, nail polish ang gamit ng painting mo.
  • Wag na bumili ng mamahaling lotion, pwede na ang baby oil. Mas mura pa, at ayaw mo nun…amoy baby ka.

Ayan muna, wala na ko maisip ahihi. Pagod na utak ko. Wag nyo na lang masyadong pansinin, kakulitan ko lang yan.

11 Comments

Filed under Kahit Ano Lang

Equals Three

I found this channel in youtube about a month ago and I got hooked. Its this guy named Ray William Johnson who reviews the so-called viral youtube videos in a hilarious way. I do found it hilarious, though my sister didn’t LOL.

The old videos (like the ones posted two years ago) are a bit okay.  He was a bit stiff, like an amateur comedian who’s not used talking in-front of the camera (haha sorry XD).  But the latest ones are awesome, it really makes me laugh. Its so cool that I always check for new episodes.

If you guys wanna check it, I embedded a video below. Its one of his latest. And here’s the link to his channel: http://www.youtube.com/user/RayWilliamJohnson?blend=1&ob=5#p/u/0/ZgS2mdBL3Rk

 

P.S. I wasn’t paid for this review, just want to share it to y’all 😄

3 Comments

Filed under Video

Pas De Deux

Slowly, slowly
Lead the step
Hold still, each turn of tide

Embrace me, sway me
From this flow of life
I might get lost, never let go

Our wings might be broken
The compass might be spinning
But together, you and me, is all we need

So come
Set sail with me
We will dance
The pas de deux of our life

10 Comments

Filed under Poetry

Ulan…ulan…ulan

Namiss ko maglagay ng photo sa isang post. Kaya ito ngayun, merong naka-insert na photo. Hiram ko lang galing sa deviantart “A Good Book” by B1nd1.  Ang cool ng pic, nakakarelax. Tamang tama sa panahon ngayun, maulan. At hayyy, very comfy ang hinigaan ng girl. Sana meron akong ganyan ng bedroom. Ganyan ding window, nakikita ang pagpatak ng ulan. Ang cute hihi.

Speaking of ulan, gusto ko ang ulan lalo na pag gabi. Syempre malamig, at comforting para sakin. Di ko alam kung bakit, basta ganun. Okay lang din kung merong konting kulog at kidlat. Konti lang, wag naman yung parang end of the world na. Masarap pakinggan ang tunog ng pagpatak nito sa bubong, sa dahon, sa lupa. Malamig din ang simoy ng hangin na dala nito. Nakakaantok.

Meron akong kakilala dati. Ayaw nya ng ulan, lalo na daw pag gabi. Malungkot daw. Sabagay, ang ulan ay laging kinakabit sa kalungkutan o luha sa mga tula o kanta. Nadamay pa. Pero wala akong maalala na malungkot ako na umuulan. O umuulan habang malungkot ako. Siguro baka, napapawi ng ulan kaya di ko na maalala. Magkakaiba nga siguro ang bawat tao.

Basta ako, masaya ako pag umuulan. Kahit minsan nakakabadtrip ang baha o kaya ang tulo sa bubong. Pero kahit ganun, okay lang. Malamig eh, at masarap matulog hihi.

10 Comments

Filed under Kahit Ano Lang

Sampung Tao

Meron akong binasang libro dati (pdf file na bigay ng love of my life). Nakalimutan ko ang pamagat ng libro, pero ang laman ay puro mind exercise.  Dahil feeling ko humihina na ang aking memorya (hindi ako ganun katanda), sinubukan ko sya ahihi.

First exercise. Ayun don, magkulong sa kwarto ng sampung minuto (preferably kwarto mo) .  Tandaan lahat ng bagay na nasa paligid, kahit yung mga maliliit na bagay at kahit mga spiderwebs sa kisame (or kung may butiki man pati na rin yun). Kung kaya pa isaksak sa utak ang kulay at ang size ng bagay ay pwede na rin. Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas ng kwarto.  Kumuha ng papel at ballpen o lapis. Maglista ng limampung bagay na natatandaan mo na nasa loob ng kwarto (kung mas madami pa ang kaya mong ilista mas maganda). Gawin araw araw hanggang sa kaya mo na ilista lahat ng walang nakakalimutan.

Ang cute di ba? Pero dahil ako ay tamad, isang beses ko lang itong ginawa at hindi ako naka-limampung bagay. Minsan din pag wala na talaga akong ibang magawa, ginagawa ko na rin to.

Isang boring na araw, habang ako ay naglalakad sa kalye napagtripan kong gawin ito. Pero binago ko ng konti para ma-entertain ko ang sarili ko hihi.  Una, maghanap ng sampung tao na medyo kakaiba. Pangalawa, tandaan ng mabuti kung ano ang kinaiba nila. Wag kalimutan hanggang makauwi at maisulat. Kaya ito na sila.

Una. Isang ale sa iskinita nagtitinda ng gulay. Wala namang kakaiba sa kanya, sya lang ang una kong napansin.

Pangalawa. Dawalang binatilyo nagkukwentuhan habang naglalakad. Basketball ang topic pero yung isa may dalang gitara. Weird.

Pangatlo. May narinig akong kumalansing sa likod ko. Paglingon ko dalawang 25 cents na sumasayaw sa daan na parang kakahulog lang at tatlong kabataan. Pumasok agad sa isip ko ang pulot piso gang (or whatever they are called). Na-paranoid ako at naglakad ng mabilis. I’m not picking that cents up. No way!

Pang-apat. May isang mama na merong dalang karton na ang laman ay obvious na manok. Meron syang kausap na isa pang mama, at ang topic…sabong.

Pang-lima. Sumakay na ko ng jeep, sa unahan ako umupo. May naglalakad na buntis na babae, ngumiti sakin. Ngumiti sya sakin 😄 di ko po sya kilala.

Pang-anim. Eeny, meeny, miny, moe. Eeny, meeny, miny, moe.  ggh wala akong makitang target.

Pang-pito. Isang maputing lalaki na naglalakad. May hitsura, kaso pumilantik ang fingers nya. Ayy…

Pang-walo. Isang bata naka-topless. May bitbit na plastic bag sa bawat kamay nya. Mukhang mabigat, kawawa naman.

Pang-siyam. Isang dalagita na mahaba ang buhok. Merong karga kargang batang shih tzu. Ang cute…nung tuta hihi.

Pang-sampo. Ang sarili ko. Hindi ko alam pero bigla akong natakot. Biglang bumilis ang takbo na jeep, feeling ko masasagasaan ako sa ganung takbo. Yun pala hinabol ni manong driver ang naunang jeep at inaway nya nung naabutan na. Hindi ko naman maintindihan ang diskusyon nila at ayoko rin na nasa gitna ng gulo, kaya exit na ko. Manong, para na lang po dyan sa tabi.

2 Comments

Filed under Kahit Ano Lang