Tag Archives: one piece

Manga

I eat manga, a lot of it. Hindi ito yung kulay berde na prutas na maasim na laging hinahanap ng mga naglilihi. O dilaw na inilalagay sa salad pag hinog na. Ito ang tawag sa komiks ng mga hapon, manhwa sa korea at manhua naman sa chinese.  Diba usong uso ang komiks satin dati? Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero wala na akong makitang nagbebenta nito ngayun.

Nung bata pa ko mahilig ako nun, kahit hanggang ngayun. Pero dahil wala na ko mahagilap na tagalog komiks. Ito na ang pinagkakaabalahan ko. Tuwing lunes ko check kung merong bago ehehe. Ito ang mga favs ko.

 

Fairy Tail

Fairy Tail – Kwento ng iba’t ibang pagkatao na nasa loob ng isang guild. Mga kalokohan, kadramahan at kung anu-ano pa. Tuwang tuwa ako dito sa mga engot na karakter katulad ni Natsu at Happy XD. Pag pagpapatawa ang tema nakakatuwa talaga. Pag drama naman talagang madadala ka (minsan napapaiyak ako wehehe).  The best ang Fairy Tail, 2nd to sa One Piece (my all-time favorite). I’m sure marami ang nakakaalam nito dahil isa ito sa mga inaabangan lingo lingo.

 

1/2 Prince

 1/2 Prince – Nung unang chapters akala ko boring to. Hindi pala. Ang cute ng storyline. Isang online game na denisenyo na parang tulad sa totoong buhay (nakakarelate ako dahil adik ako sa online game hihi). Merong kambal na nagpupustahan ko sino ang magiging mas malakas sa kanila. Itong kapatid na lalaki ay inasar ang kanyang kambal na babae na aasa naman daw sya ulit sa charm nya para mgakahingi ng items sa mga boys. In fairness totoo ito sa online games LOL. Dahil gustong patunayan ng kambal na babae na hindi sya ganun, gumawa sya ng character na lalaki. At don nagsimula ang gulo sa loob at labas ng laro.

 

Defense Devil

Defense Devil – Isang prinsipe na itinakwil sa kaharian ng impeyerno. San ka pa diba, tinakwil ka sa imperyerno LOL. Anyway, tinakwil naman sya dahil malinis ang kanyang puso. Marunong syang maawa. Nanirahan sya sa lugar kung san don sinusundo ang mga kaluluwang hindi mawari ang dahilan ng pagkamatay. Dahil sya ay marunong maawa at ayaw nya na mapunta sa imperyeno ang kaluluwa ng namatay, sya ay naging abugado sa mga ito para mapatunayan na inosente at hindi ito nagpatiwakal. Merong ganun. At syempre merong mga engot na characters (dito ako tuwang tuwa wehehe). Dahil mahilig ako sa manga na comedy na hindi puro drama ang laman.

 

Sankarea

Sankarea– Excuse the nude pic XD this manga has mature contents. Mga R16 or something. Merong mga nakikitang private parts and kissing, something like that. Pero di naman ganun kabrutal. Ang story, merong estudyanteng lalaki na sobrang adik sa zombie. Sa kaadikan nya sa zombie, sinubukan nyang buhayin ang alaga nyang pusa. Meron syang nakitang lumang libro na tungkol sa resurrection. Matagumpay nyang nagawa ang potion, ang problema nga lang, ininom din ito ng isang babae na gustong mabuhay ulit para lang makawala sa pamilyang sobrang higpit sa kanya. Kaya ayun, gumulo ang mundo dahil dalawa ang zombie na kanyang inaalagaan.

 

Gamble Fish

Gamble Fish – Title pa lang, alam nang sugal na hehe. Nakakatuwa ang manga na to. Dito ko nalaman ang mga kalokohang ginagawa sa sugal LOL. Ang mga pandaraya at iba pa. Meron din naman akong natutunang konting tricks hihi. Kwento kasi ito sa isang high school guy na sobrang galing sa kahit anong sugal. Hindi lang magaling, mautak din. Ala lang, natutuwa lang ako sa mga ganitong babasahin na utakan ang laban ahihi. Ang problema lang dito, amf ang tagal ng updates!

Ayan na ang top five manga na sinusubaybayan ko. Hindi yung typical Naruto or Bleach. Pasintabi sa mga fans ng Naruto at Bleach, pero di ko sya nagustuhan. Try ko kasi syang basahin dati, yung Naruto pinapanood ko dati. Pero nakakainis ang haba ng flashback, sa Bleach naman paikot ikot ang kwento. Naloka ako. Kaya ayun, tinigil ko sya. Ang pinapanood ko lang talaga na anime lingo-lingo ay ang One Piece. Ito dati ang aking alternative medicine wahihi.

Advertisements

4 Comments

Filed under Kahit Ano Lang